7 Pinoy na biktima ng pang-aabuso sa Syria, nakauwi na sa bansa
Nakauwi na sa bansa ang pitong Filipino na biktima ng trafficking-in-persons sa Syria.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga nasabing Pinoy ay kinupkop ng Philippine Embassy sa Damascus matapos humingi ng tulong sa kanila dahil sa pang-aabusong dinanas nila sa kamay ng kanilang mga employer.
Nakipag-usap na ang DFA sa mga employer ng mga Pinoy ganundin sa mga recruitment agencies kasama ang mga government official ng Syrian Arab Republic para sa pagpapalabas ng kanilang exit visas.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola, tutulungan ng gobyerno ang mga kababayan natin para sa paghahain ng kaso laban sa mga nang-abuso sa kanila.