70% target population sa NCR 100% ng nabakunahan ng 1st dose ng anti COVID-19 vaccine, nakamit na – Malakanyang
Naabot na ng National Capital Region o NCR ang 100 percent target population para mabakunahan ng first dose ng anti COVID-19 vaccine o katumbas ng 9, 841,704 na mga indibidwal.
Ito ang inianunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque batay sa pinakahuling national COVID-19 vaccination dashboard.
Sinabi ni Roque ang mga fully vaccinated naman sa NCR ay umabot na sa 91.10 percent o katumbas ng 8,905,894 na indibiduwal.
Ayon kay Roque ang mga numerong na ito ay kumakatawan sa kabuuang 18,747,598 doses na naibakuna na sa buong Metro Manila.
Inihayag ni Roque malapit nang makamit ng NCR ang hinahangad na herd immunity laban sa COVID 19 bago matapos ang taon.
Vic Somintac