7,000 sako ng nakumpiskang smuggled rice ng Bureau of Customs, ipapamahagi sa mga biktima ng bagyong Ompong
Ibibigay na donasyon ng Bureau of Customs sa mga biktima ng bagyong Ompong ang pitong libong sako ng smuggled na bigas na nakumpiska sa Port of Cebu.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, iniutos na niya ang agarang pagpapalabas ng mga nasabing bigas para gawing donasyon sa mga naapektuhan ng malakas na bagyo.
Sinabi ng opisyal na nilagdaan na niya ang deed of donation para sa nasabat na 14 na twenty-footer containers ng bigas.
Inihayag naman ni BOC deputy commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group Atty Edward James Dy Buco
na mayroon pang second batch ng donation of goods ngayong linggo para sa mga sinalanta ng bagyo.
Una nang inatasan ng Department of Finance ang BOC na agad ipalabas ang mga nakumpiskang smuggled rice at iba pang food items sa DSWD bilang donasyon.
Ulat ni Moira Encina