71 appointees itinalaga ng Malacañang sa DOJ at iba’t-ibang prosecution offices sa bansa
Kabuuang 71 opisyal at piskal ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOJ at iba’t ibang prosecution offices sa buong bansa.
Ito ay batay sa limang batch ng appointments na natanggap ng DOJ mula sa Palasyo.
Dalawa sa mga appointees ay inilagay sa DOJ main offices na sina Mildred Bernadette Baquilod Alvor at Marlyn Laurino Angeles bilang Assistant Chief State Counsels.
Ang iba naman ay inilagay sa mga prosecution offices sa NCR gaya ng Maynila, Parañaque City,Quezon City, Makati City, at Marikina City.
Gayundin, sa mga city at provincial prosecutor’s offices sa Cebu City,Tarlac,Tacloban City, Bacolod City, Cebu, Olongapo City, Tuguegarao, Mandaue City, Leyte, Negros Oriental, Tacurong City, Bohol, Zamboanga City, Zamboanga del Sur, Cagayan de Oro, Benguet, Trece Martires, Quirino, Angeles City, Tagbilaran City, at Camiguin.
Moira Encina