73 governors nagpahayag ng suporta kay BBM
Ilang linggo bago ang May 9 elections, nakipagpulong si presidential candidate Bongbong Marcos sa ilang gobernador.
Ayon sa kampo ni BBM, 73 mula sa 81 gobernador sa bansa ang sumusuporta sa kanyang kandidatura.
Ang pinakahuling pulong ay ginanap sa campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City.
Nabatid na aabot sa 15 gobernador ang dumalo rito kabilang na sina Danilo Suarez ng Quezon; Rodito Albano ng Isabela; Hermilando Mandanas ng Batangas; Arthur Yap ng Bohol; Dax Cua ng Quirino; Susan Yap ng Tarlac; Jose Riano ng Romblon; Florencio Miraflores ng Aklan; Philip Tan ng Misamis Occidental; Eduardo Gadiano ng Mindoro Occidental; Alexander Pimentel ng Surigao del Sur; Bonifacio Lacwasan ng Mountain Province; Suharto Mangudadatu ng Sultan Kudarat; Bai Mariam Mangudadatu ng Maguindanao at dating Gov. Jun Ynares III ng Rizal (na kumatawan kay Gov. Rebecca Ynares).
Una rito ay nakipagpulong rin si Marcos sa 10 gobernador na sumusuporta sa kanya sa presidential race.
Kabilang sa mga dumalo sa naunang pulong ay sina Governors Imelda Dimaporo ng Lanao del Norte; Francisco Emmanuel Ortega III ng La Union; Nancy Catamco ng Cotabato; Esteban Evan Contreras ng Capiz; Damian Mercado ng Southern Leyte; Ferdinand Tubban ng Kalinga, Joy Bernos ng Abra, Jerry Dalipog ng Ifugao at Camiguin gubernatorial bet Rep. Xavier Jesus Romualdo.
Kasama sa mga tinalakay sa unang pulong ang vote protection, maging ang mga concern at priority programs sa kani-kanilang mga probinsya.
Madelyn Moratillo