75 lugar inilagay sa Alert level 4 status ng DOH
May 75 lugar mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nakasama sa Alert level 4 ng Department of Health.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, direktor ng Epidemiology Bureau ng DOH, 56 rito ang may kaso ng Delta variant.
Sa NCR, kabilang sa mga may Delta variant na ito ay ang Malabon, Navotas, Pateros, Marikina, Taguig, Quezon city, Makati, San Juan, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Pasay, Pasig at Valenzuela.
Sa Cordillera Administrative Region, kabilang ang Apayao at Baguio city.
Sa Region 2 ay Cagayan, Santiago city,Isabela, at Nueva Vizcaya.
Sa Region 3 ay Angeles City, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales.
Sa Region 4A ay Batangas, Cavite,Laguna, Quezon at Rizal.
Sa Region 4B ay ang Marinduque at Occidental Mindoro.
Sa Region 5 ay Camarines Sur at Masbate.
Sa Region 6 ay Antique, Guimaras, Iloilo, at Iloilo City.
Sa Region 7 ay Bohol, Cebu, Cebu City, at Lapu Lapu City.
Sa Region 10 ay Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Lanao del Norte at Misamis Oriental.
Sa Region 11 ay Davao city.
Sa Region 12 ay North at South Cotabato at Sarangani.
At sa Caraga naman ay ang Surigao del Norte.
Madz Moratillo