Road repair sa ilang kalsada sa QC at Maynila, itutuloy ng DPWH ngayong weekend
Itutuloy ng DPWH ang pagkukumpuni ng ilang kalsada sa Quezon City at Maynila ngayong weekend.
Sa Quezon City, isasailalim sa road repair ang dalawang sections sa EDSA at isang bahagi ng Batasan Road.
Partikular na rito ang southbound direction ng EDSA mula sa harap ng Francesca Tower hanggang pagkatapos ng Scout Borromeo, 3rd lane from center island; at ang northbound direction mula bago mag-North Avenue, 6th lane from center island.
Habang sa Batasan Road ay bago ang Payatas Road, 2nd lane.
Sa Maynila, kukumpunihin naman ang northbound directions ng.A.H. Lacson Avenue, corner Aragon Street at corner P. Florentino Street.
Sisimulan ang road repair simula alas onse ng gabi mamaya.
Magiging fully passable ang mga nasabing kalsada sa Lunes, September 3 ng ala -singko ng umaga.
Dahil dito, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa inaasahang pagbagal ng trapiko sa mga nabanggit na lugar bunsod ng reblocking at repairs.
Ulat ni Moira Encina