78% ng mga kawani ng DOJ, fully-vaccinated na laban sa COVID-19
Halos 80% na ang nakakumpleto ng bakuna laban sa COVID-19 sa mga kawani at opisyal ng DOJ sa Maynila.
Mula sa 804 na kabuuang bilang ng mga empleyado ng DOJ, 631 na o katumbas ng 78% ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.
Batay pa sa pinakahuling vaccination monitoring ng DOJ, umaabot naman sa 54 DOJ personnel o 7% ang naturukan na ng unang dose ng anti-COVID vaccines.
Ito ay makaraan ng ilang buwan mula nang simulan ang pagbabakuna sa A4 o economic frontliners kasama ang mga government employees noong Hunyo.
Samantala, siyam na lang ang aktibong kaso ng sakit sa hanay ng DOJ.
Ngayong taon ay nakapagtala ang kagawaran ng 90 tauhan nito na nahawahan ng sakit pero gumaling na ang 79 at pumanaw naman ang dalawa.
Sa kabuuan ay 108 ang confirmed cases sa DOJ mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.
Moira Encina