8 arestado sa Sri Lankan bombing; 290 naitalang patay
Walo (8) katao ang inaresto ng mga otoridad sa Sri Lanka na may kaugnayan sa naganap na pambobomba na ikinasawi ng 290 katao.
Ayon kay Prime Minister Ranil Wickremesinghe, inaalam na nila kung may koneksyon sa ibang bansa ang mga naaarestong suspek.
Dagdag pa nito na may mga impormasyon na silang nakuha kasunod ng pagkakaaresto sa mga suspek.
Tiniyak ng Prime Minister na pananagutin nila ang sinumang grupo na nasa likod ng pag atake.
Wala pang grupong umaako sa nasabing insidente.
Samantala, tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipinonh nadamay sa pambobomba sa magkakasunod na pagsabog sa Sri Lanka.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa Filipino communities sa nasabing bansa.
Ang Palasyo ng Malacañang ay nagpaabot na rin ng pakikiramay sa Sri Lanka.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, dalangin ng Pilipinas na makamit ang hustisya para sa mga biktima at kapayapaan sa harap ng karahasan.
Sinabi pa ni Panelo na ang mga lider ng Sri Lanka at Pilipinas ay mayroong magandang pakikitungo sa isa’t-isa kaya sa mga ganitong sitwasyon ay nakikidalamhati ang bansa sa mga Sri Lankan citizens.