8 Mangingisda, arestado dahil sa illegal fishing sa Navotas City
Walong mangingisda ang inaresto ng PNP maritime Group-National Capital Region dahil sa paglabag sa Section 86 ng Republic Act 10654 o hindi awtorisadong pangingisda sa katubigan ng lungsod ng Navotas.
Kinilala ang mga suspect na sina Jefferson Lopez, kapitan ng bangka, Leonardo Manuit, Bernardo reyes, Alexander Santos, Antonio Santos, Joel Baluyot at Jaime Baluyot na pawang mga residente ng San Nicolas, Hagonoy, Bulacan.
Nakuha sa mga suspect ang isang banyera ng iba’t-ibang klase ng isda na may timbang na 40 kilo na nagkakahalaga ng tatlong libong piso.
Ayon sa otoridad, ginamit ng mga suspek ang ipinagbabawal na uri ng lambat.
Dinala na sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek pati na ang mga nakuhang ebidensiya para sa kaukulang imbestigasyon.
Samantala, Ayon kay Regional Maritime Unit Chief P/Col. Ricardo Villanueva, lalo pang pinaiigting ang anti-illegal fishing campaign sa mga karagatan ng bansa batay na rin sa direktiba ni PNP Maritime Director Police Brigadier General Jireh Fidel.
Ito ay upang ganap nang masugpo at mawala na ang iligal na pangingisda partikular ang paggamit ng mga explosive o dinamita at iba pang mapaminsalang kemikal upang maprotektahan na rin at mapreserba ang ating mga yamang dagat at mapanagot o maparusahan naman ang sinumang lalabag hinggil dito.
Edison Domingo Jr.