8 pinoy mula sa China na nagpositibo sa COVID-19 nakaisolate pa rin
Patuloy pa rin na naka-isolate sa hindi tinukoy na pasilidad ang 8 pinoy mula sa China na nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa bansa.
Natukoy na rin naman ng DOH ang lahat ng kanilang close contact at 1 lang dito ang nakitaan ng mild na sintomas at patuloy na minominitor.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, tapos na rin ang genome sequencing sa samples ng 8 at hinihintay na lang nila ang resulta nito.
Tiniyak ng opisyal ang mahigpit na monitoring ng gobyerno sa mga pumapasok sa bansa lalo na ang mga hindi bakunado.
Sa datos ng DOH, patuloy na nadadagdagan ang mga variant dito sa bansa na karamihan sa natutukoy ay Omicron.
Kabilang rito ang 81 na bagong kaso ng BA.2.3.20, 1 kaso ng BN.1, 7 BA.5, 43 na XBB, 1 XBC at 11 iba pang Omicron subvariants.
Madelyn Villar-Moratillo