8 priority bills ng Marcos gov’t., sisikaping ipasa bago ang SONA sa Hulyo
Matapos magbakasyon mula noong March 25, 2023, balik sesyon na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong May 8, 2023.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na aapurahin ng Kamara ang pagtalakay sa 8 natitirang priority measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kabuuang 31 na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting.
“It will be on a best-effort basis. We will try to pass the remaining eight bills from the original priority list,” ayon sa statement na inilabas ni Speaker Romualdez.
“If we could do that, we would have approved all the urgent measures identified by President Marcos in less than a year,” dagdag na pahayag ng Speaker.
Ayon kay Romualdez ang natitirang 8 priority bills ng Malakanyang na pagtitibayin ng Kamara bago ang ikalawang State of the Nation Address o SONA ng Pangulo sa July ay kinabibilangan ng; Regional Specialty Hospitals Bill, Enabling Law for the Natural Gas Industry, National Land Use Act, Department of Water Resources and Services and Creation of Water Regulatory Commission, Amendments to the Electric Power Industry Reform Act, Budget Modernization Bill, National Defense Act at Unified System of Separation Retirement and Pension for Uniform Personnel Bill.
“These proposed pieces of legislation support the President’s Agenda for Prosperity and his eight-point socio-economic roadmap,” ayon sa statement na inilabas ni Speaker Romualdez.
Inihayag ni Romualdez lahat ng priority bills ni Pangulong Marcos Jr. ay may kinalaman sa socio-economic recovery masterplan ng bansa para tuluyang makabangon mula sa krisis na idinulot ng pandemya ng COVID 19.
Ang first regular session ng 19th Congress ay magtatapos sa June 2 sine die adjournment at magbubukas naman ang second regular session sa July 24, 2023 kasabay ng ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.
Vic Somintac