8 Rehiyon sa bansa, pangunahing makikinabang sa bagong dating na 703,170 Pfizer anti-Covid-19 vaccines
Ipamamahagi sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa ang bagong dating na mga bakuna ng Pfizer-BioNTech.
Ang nasa kabuuang 703,170 doses ng Pfizer vaccine na binili ng gobyerno ay dumating kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal-3.
Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., bibigyan din ng bakuna ang mga lugar na hindi pa nakakatanggap ng Pfizer vaccines.
Mayorya ng alokasyon ng bakuna ay dadalhin sa Regions 4-A (Calabarzon), Central Luzon, Ilocos, Cagayan Valley, Central Visayas, Davao, Western Visayas at Zamboanga.
Sinabi pa ni Galvez na nasa 25 milyong iba’t-ibang brand ng bakuna ang inaasahan pang darating sa bansa ngayong Setyembre.