8 sa 10 Pinoy, pabor ibalik ang mandatory ROTC program – Pulse Asia

Walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na ibalik ang mandatory Reserve Officer Training Course (ROTC) program sa kolehiyo.

Sa March 15 to 19 survey ng Pulse Asia na nilahukan ng 1,200 respondents nationwide, 78% ang nagsabing dapat ibalik ang mandatory ROTC.

Tutol naman ang 13% ng respondents habang nasa 8% ang undecided.

Sa mga pumabor sa survey, nais nilang ibalik ang ROTC para matuto ng tamang disiplina ang mga kabataan at magkaroon ng responsibilidad sa lipunan habang 60% ang nagsabing maihanda ang mga kabataan para ipagtanggol ang soberenya ng bansa.

Sa mga tutol, nangangamba nanan silang tataas ang kasi ng pang-a-abuso, harassment at hazing.

Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order, sa pagbabalik ng sesyon sa May 8 ay isasalang sa plenary debate ang panukala na inaasahang mapagtitibay bago matapos ang taon.

Inaasahan ni  Dela Rosa na magiging mainit ang debate sa isyu kung bakit kailangan isama sa ROTC training ang mga babaeng kabataan.

Hindi rin exempted sa ROTC program ang mga dayuhang estudyante na nag-a-aral sa Pilipinas.

“There is no exemption, that’s the general rule, no exemption,” paliwanag ni dela Rosa.

Sa sandaling mapagtibay at maging ganap na batas, masasakop ng mandatory ROTC program ang lahat ng estudyante sa kolehiyo at unibersidad sa buong bansa, kasama maging ang mga naka-enroll sa technical vocational courses.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *