80% ng tagasuporta ng Marcos-Duterte, “very firm” na ang desisyon na iboto ang dalawa
Walumpung porsyento na umano ng mga supporter ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte ay buo na ang desisyong iboto ang mga ito sa May 9 elections.
Ayon kay PUBLiCUS chief data scientist Dr. David Barua Yap Jr., ang dalawa ay kapwa nakapagtala ng pagtaas sa kanilang voters’ preference rating.
Sa PAHAYAG National Tracker: April Survey ng Publicus, 57 percent mula sa 1,500 respondents ang nagsabing si Marcos ang kanilang napiling kandidato sa pagka presidente.
Si Sara naman ay patuloy ring nangunguna sa vice-presidential race kung saan nakakuha ito ng 59 percent ng boto mula sa respondents.
“If we look more closely at the numbers, the share of the very firm BBM voters rose from 70 percent in February to 80 percent in late April. Similarly, the share of very firm Sara voters rose from 75 percent in February to 80 percent in late April,” pahayag ni Yap.
Nanatili rin umanong malayo ang agwat ni BBM mula sa iba pang presidentiables.
Ang voters’ preference rating ni Marcos ay mas mataas ng dalawang percentage points kumpara sa 55 percent noong Marso 9 hanggang 14 survey ng PUBLiCUS.
Si Marcos lang daw ang presidential candidate na nakitaan ng “significant” na pagtaas sa voter preference sa panahon ng campaign period.
Madelyn Moratillo