8,000 doses ng Covid-19 vaccine inilaan para sa pagbabakuna sa mga nasa A2 at A4 sa Maynila
Aabot sa 8,000 doses ng Covid-19 vaccine ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa pagbabakuna sa mga nasa A2 at A4 priority group.
Ito ay ang mga Senior Citizen at Economic workers.
Sa araw na ito, 4 na vaccination site ang itinalaga ng Manila LGU, ito ay sa Lucky Chinatown Mall, Robinson’s Place Manila, SM Manila at SM San Lazaro.
Bawat isang site may 2 libong doses ng bakuna.
Maliban naman sa mga nasabing site, may 2nd dose vaccination rin para sa mga nasa A1 hanggang A3 o mga medical frontliner, senior citizen at person with commorbidity na nabakunahan ng 1st dose ng Sinovac Vaccine noong May 17.
19 na vaccination sites naman ang itinalaga ng lokal na pamahalaan para sa kanila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hanggang 10:00 ng umaga ay nasa 8,523 na ang nabakunahan sa lungsod ngayong araw.
Madz Moratillo