81 mga katutubong badjao tutulungang makabalik sa kanilang lalawigan – QC LGU
Joint Effort ang local na pamahalaan ng Quezon City at ang National Commissiion on Indigenous Peoples o NCIP upang matulungan ang mga katutubong Badjao na makauwi na sa kanilang lalawigan.
Ayon sa QC government, ang mga naturang badjao ay mula sa Angeles, Pampanga at sa kasalukuyan ay pansamantalang kinukupkop ng barangay batasan hills.
Ang walumpu at isang katutubong badjao ay sasailalim sa libreng rapid antibody test mula sa local na pamahalaan bago sila umuwi sa kanilang probinsiya.
Suportado rin ng food packs ang mga katutubong badjao.
Ayon pa sa QC lgu nais nilang matiyak na ligtas at malusog ang pangangatawan ng mga nabanggit na badjao bago sila maiuwi sa sa kanilang lupang sinilangan.
Umaasa din ang local na pamahalaan ng Quezon City at ang National Commissiion on Indigenous Peoples o NCIP na hindi na sila babalik pa sa kalye upang mamalimos dahil tutulungan din sila na magkaroon ng pagkakakitaan pagdating sa kanilang lalawigan.
Belle Surara