Aabot sa 24 na milyong pisong halaga ng mga agricultural products mula sa China ang nasabat ng Bureau of Customs.
Ayon sa BOC ang mga nasabing kargamento ay dumating sa manila international container port sa magkakahiwalay na petsa noong nakaraang buwan.
Naalerto umano ang examiner matapos makotaan ng discrepancy ang timbang at value ng mga shipment.
Batay sa x-ray at physical inspection, ang mga kargamento ay idineklara bilang mansanas, orange at peras pero meron din pala itong mga kasamang carrots, sibuyas at patatas.
Apat sa limang shipment ay naka-consign sa Ingredient Management Asia Inc at isang Mcrey International Trading na tinanggalan na ng akreditasyon ng BOC.
Ang mga nakumpiskang carrot ay nagkakahalaga ng 15 milyon habang 4 na milyon naman ang sibuyas at 5 milyon ang patatas.
Ang nakumpiskang ito ay ibabaon naman sa lupa kung hindi na pwedeng pakinabangan.
Ayon sa BOC, kapag sumasapit na ang buwan ng Agosto hanggang ber months ay mas alerto sila lalo sa mga ganitong shipment na karaniwang ginagamit panghanda sa holiday season.
Ulat ni Madz Moratillo