82% na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, naitala ng DOH
Nakapagtala ng 82% na pagtaas ng mga kaso mga COVID-19 sa bansa nitong nakaraang linggo.
Sa datos ng Department of Health, mula Hunyo 13 hanggang 19, umabot sa 436 ang daily average ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa kabuuan, nasa 3,051 bagong kaso ng virus infection ang naitala sa nakalipas na linggo.
May 15 bagong kaso naman ng severe at kritikal ang naitala habang may 6 na bagong kaso ng nasawi ang naitala.
Pero sa 6 na ito, 1 ang nasawi noon pang Enero, at ang 5 ay noong 2021 pa.
Sa kabila ng pagtaas na ito, nananatili parin namang mababa ang health care utilizate rate sa bansa.
Ayon sa DOH, ang occupancy rate ng COVID-19 beds ay nasa 18.1% pa lang habang 14.6% naman sa ICU beds.
Madelyn Villar – Moratillo