Manila Water nagbabala na tataas ng halos 800% ang singil sa tubig at mas lalala ang trapiko dahil sa desisyon ng SC na pagmultahin sila bunsod ng di pagsunod sa Clean Water Act

Nagbabala ang Manila Water na maaaring tumaas ng halos 800 porsyento ang singil sa tubig at mas lumala ang trapiko kung hindi babaligtarin ng Korte Suprema ang desisyon nito noong Agosto na nagpapataw sa kumpanya ng multa dahil sa hindi pagsunod sa Clean Water Act.

Ito ay batay sa inihaing Motion for Reconsideration ng Manila Water sa Supreme Court.


Iginiit ng Manila Water na tumugon sila sa mga hinihinging Sewage requirement sa Clean Water Act kaya walang basehan ang ipinataw sa kanila ng Korte Suprema na multang 921 million pesos at karagdagang 322,000 pesos bawat araw.

Paliwanag ng kumpanya, alinsunod sa Section 8 ng Clean Water Act, inoobliga lang ang Manila Water, Maynilad at MWSS na ikonekta ang mga existing water lines ng mga kabahayan, condominiums, subdivision at iba pa sa available sewer lines ng mga concessionaires.

Ayon sa Manila Water,  61,000 mula sa 63,000 subscriber ang na-interconnect nila sa kanilang sewer trunk.

Hindi anila makonekta ang iba dahil ang makukompromiso ang available sewers kung maoverload ito.

Gayunman nag-install anila ang kumpanya ng dagdag na sewers at gumasta ng bilyun-bilyong piso nang higit pa sa kanilang nakolekta para sa proyekto.

Sinabi pa ng Manila Water na tanging mga polluters lamang ang pinapatawan ng parusa sa ilalim ng Section 8.

Babala ng kumpanya kung gagawin  nila ang nais ng SC na gawin sa loob ng limang taon ang 40 year project ay magdudulot ito ng pagtaas sa singil sa tubig kanilang customers.

Tinataya anilang papalo sa 28. 70 pesos per cubic meter ang water rate o 780 percent na increase.

Mas titindi rin anila ang trapiko dahil daan daang kilometro ng kalsada kabilang ang Edsa na parte ng East zone ng Manila Water ay ang kailangang hukayin nang sabay-sabay.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *