84 pang kaso ng Covid-19 sa hanay ng Filipino abroad, naitala ng DFA
Nakapagtala ng karagdagang 84 Covid-19 cases ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa hanay ng mga Filipino abroad.
Ayon sa DFA, dahil sa mga karagdagang kaso, pumalo na sa 12,530 ang Covid-19 cases.
Samantala, naragdagan din ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na nasa 8,071 na matapos makapagtala ng karagdagang 2 mga gumaling sa karamdaman.
Pero nakapagtala naman ng isang namatay kaya nasa 862 na ang death toll.
Nananatiling ang Middle East at Afrca ang mga rehiyong may pinakamaraming Covid-19 cases, recoveries at deaths sa hanay ng mga Filipino abroad.
Habang ang Amerika at Asia Pacific region ang may pinaka-kaunting kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga kababayan natin sa ibang bansa.