88% ng clustered precincts sa buong bansa, nakapag-final testing and sealing na ng mga VCM
Umaabot na sa 88% o katumbas ng 93,398 clustered precincts sa buong bansa ang nakapagsagawa na ng final testing and sealing ng mga vote counting machine.
Ayon sa Commision on Elections, may mahigit 106,000 clustered precincts para sa May 9 elections.
Sa 88% na ito, ayon sa Comelec, 81% o 86,479 ang nakatapos na ng FTS.
Sa pagsasagawa naman ng fts, may 790 VCM ang nagkaroon ng isyu at kinailangang palitan, habang 143 naman ang pinalitang SD cards.
Sa 790 VCM na nagkaroon ng problema, 233 na ang napalitan habang sa 142 SD cards na nagkaproblema ay 107 na ang napalitan.
Una rito, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na hindi dapat mabahala ng publiko dahil may nakalatag na silang contingency measure para rito
Pagtiyak nya, hindi magkakaroon ng failure of elections nang dahil sa VCM.
Bukod sa mga naka-standby na VCM, may mga itinatag aniyang repair hub ang Comelec sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Madz Moratillo