9 katao na nagkunwaring maysakit para mabakunahan, arestado sa Maynila
Arestado ang siyam katao sa Maynila matapos mameke ng medical certificate para mabigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Manila Police District, ang anim sa mga naarestong indibidwal ay Chinese Nationals habang ang 3 ay Pinoy.
Kinilala ang mga naarestong Chinese National na sina: – SHI JIALIANG , 34 anyos, negosyante -DONG CAI, 48 anyos, negosyante,; MANUEL CHAN, 49 anyos, negosyante; JESSEBELE ONG CHAN, 43 anyos-;HONG HONG YI at HING YUEN WONG na mga residente ng Maynila.
Kinilala naman ang mga naarestong Filipino na sina: – AUNE LORESTO, 19 anyos, estudyante; JOLINA DEONILA, 19 anyos, at DEOLITA SOLIETA Jr, 27 anyos, na mga residente naman ng Quezon City.
Sa report ni MPD Chief Police Brigadier General Leo Francisco, ang siyam ay naaresto sa Sergio Osmeña High School sa Gagalangin, Tondo, Maynila kahapon kung saan may isinasagawang vaccination program.
Nagpanggap umano ang mga ito na may comorbidities para makatanggap ng bakuna.
Umapila naman ang Manila Health Department sa mga residente na sumunod sa alintuntunin sa mga prayoridad munang mabigyan ng bakuna.
Madelyn Moratillo