9 sa 10 Pinoy sa ibang bansa, pinili si BBM– kalye surveys
Siyam sa 10 Pilipino sa abroad ang iboboto si
Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pagka-pangulo.
Ito ay batay sa kalye surveys na isinagawa sa iba’t ibang panig ng mundo na may 4,343 respondents mula sa Asya, North America, at Europa.
Sa datos sa Pulso ng Pilipino na pinagsama-samang impormasyong ‘real-time,’ ‘real man on the streets surveys’ na isinagawa noong Oktubre 2021 hanggang Enero 31, 2022, si Marcos ay nakakuha ng preference rate na 84.77%.
Katumbas ito ng 3,812 votes o 87.77 percent.
Pumangalawa si Vice President Leni Robredo na may preference rate na nasa 4% o 176 na boto.
Sumunod si Manila Mayor Isko Moreno na may 160 boto o 3.68 %.
Pang-apat at pang-lima naman sina Senador Manny Pacquiao at Panfilo Lacson na may 43 boto o 0.99% at 12 na boto o 0.28%.
May undecided respondents naman na 3.22%
Ayon sa SPLAT Communications, mahalaga ang resulta ng kalye surveys abroad dahil karamihan ng mga Pinoy sa ibang bansa ay halos breadwinners.
Sinabi pa ng information and statistical data provider na katuwang ang consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) na malaki ang impluwensya sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas ang iboboto ng mga Pinoy abroad.
Malaking pagkakamali ng kandidato anila kung mamaliitin ang lakas ng voting bloc ng mga maraming Pinoy sa ibang bansa.
Inihayag ng SPLAT na ang kabuuang numero ng kanilang datos ay batay sa mga random videos ng iba’t ibang vloggers.
Madelyn Moratillo