9 volcanic earthquakes , naitala sa Mayon Volcano

Nakapagtala ng siyam na volcanic earthquakes sa bulkang mayon ang PHIVOLCS sa nakalipas na dalawampu’t apat na oras.

Ayon sa PHIVOLCS , isang rockfall event din ang kanilang naitala sa bulkan.

Naobserbahan din sa bulkan ang moderate emission ng white steam- laden plumes.

Samantala , may average na 634 tonnes kada araw ang sulfur dioxide emission ng bulkan.

Muling nagbabala ang DOST – PHIVOLCS sa publiko na namamalagi pa rin sa alert level 1 ang Mayon Volcano at mapanganib pa rin ang pagpasok sa 6 – kilometer radius permanent danger zone.

PHIVOLCS

Please follow and like us: