90% Importation ng asin sa bansa,binusisi ng Senado
Nag init ang ulo ng mga Senador sa pagdinig ng Senado.
Ito’y matapos madiskubre na nobenta porsyento ng pangangailangan ng asin ng bansa ay imported at inaangkat na rin sa ibang bansa.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture sa isyu ng salt supply at importation, nadismaya ang mga mambabatas dahil pati industriya ng asin, namatay na rin gayong ang Pilipinas ay napapaligiran ng shoreline.
Ayon sa mga Senador, inalat ang industriya ng asin dahil sa maling aksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Noong 1995, ipinasa ang asin law o salt iodization nationwide kung saan ipinagbabawal ang rock salt.
Ito’y para solusyunan ang lumalalang problema sa iron deficiency.
Pero ang ikinagalit ng mga mambabatas ang nadiskubre na umaangkat ang Pilipinas ng rock salt sa Australia pero sa Pilipinas na ginagawa ang iodized salt.
Tanong ng mga Senador bakit kailangan pang umangkat at hindi na lang binili ang mga gawang asin ng local farmers.
Nakastigo ang Department of Trade and Industry, Department of Agriculture at DOST dahil bakit hindi tinuruan ang salt farmers na gumawa ng iodized salt.
Nang kwestyunin kung sino ang nagbibigay ng permit para mag- import ng asin sinabi ng Food and Drug Administration sila ang nagbibigay pero para sa iodized lang.
Inamin ng FDA na wala silang datos kung gaano rin karami ang demand para sa asin na lalong ikinagalit ng mga mambabatas.
Sa ngayon ang nakikitang solusyon ng Senado ay magpasa ng batas na bubuhay sa salt industry at obligahin ang mga manufacturer na i priority ang local salt production.
Meanne Corvera