90% ng mga kawani ng UP Los Baños, bakunado na laban sa COVID-19
Iniulat ng UP Los Baños na malapit nang mabakunahan ang lahat ng mga tauhan nito laban sa COVID-19.
Ayon sa datos ng UPLB, 90% na ng mga empleyado nito o 3,975 mula sa 4,442 personnel ang naturukan laban sa sakit.
Sinimulan noong Hulyo 27 ang pagbabakuna ng unibersidad sa mga kawani nito gamit ang single dose na Janssen vaccines.
Ito ay makaraang aprubahan ng DOH CALABARZON ang alokasyon ng Janssen para sa UPLB employees.
Ang ibang UPLB staff ay nabakunahan naman sa kani-kanilang LGUs.
Una nang hinimok ng pamunuan ng pamantasan ang lahat ng empleyado nito na magpaturok laban sa COVID para matiyak na ang mga tauhan ay nagtatrabaho sa ligtas at malusog na kapaligiran.
Moira Encina