90 percent ng adult population ng bansa, bakunado na
Kahit may mga nasayang na bakuna, sinabi ni Health Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire na aabot sa 90 percent ng adult population ng bansa ang bakunado na at hindi na kinakailangang bumili pa ang bansa ng dagdag na bakuna.
Pero aminado si Vergeire na hanggang ngayon 21 percent pa lang ng kabuuang nabakunahan ang nagpa booster dahil
sa ilang umano’y side effects at naging kampante na ang publiko at naniniwalang may immunity na laban sa virus.
Ang iba ayaw na rin aniyang magpa booster shot sa takot na makaltasan ng suweldo kapag umabsent sa trabaho at hindi naman ito requirement sa kanilang trabaho.
Sa ngayon, bagamat mataas ang kaso ng nagpopositibo sa virus, napakababa ang bilang ng mga naoospital.
Bukod sa kaso ng COVID-19, patuloy naman ang pagtugon ng Department of Health sa mga problema sa kalusugan na kinakaharap ng bansa.
Kabilang na rito ang dengue, monkeypox at iba pang communicable diseases.
Meanne Corvera