90s boy band na Boyzone, muling nagsama-sama para sa isang documentary

Soccer Football - FA Trophy - Fifth Round - Chorley v Solihull Moors - Victory Park, Chorley, Britain - February 10, 2024 Boyzone member Keith Duffy poses for a picture with fans before the match Action Images/Craig Brough/File Photo
Tatlompung taon mula nang mabuo, muling nagsama-sama ang mga miyembro ng Irish 90s boy band na Boyzone, upang magbalik-tanaw sa kanilang pinagdaanan hanggang sa sila ay makilala at sumikat, sa pamamagitan ng isang bagong documentary series.
Ang three-part “Boyzone: No Matter What” ay tungkol sa simula ng grupo, gaya ng kanilang auditions sa Dublin noong 1993 hanggang sa extreme highs and lows ng kanilang career na tumagal ng tatlong dekada.
Ayon sa lead singer na si Ronan Keating, “We didn’t have social media in the ’90s. This is our way of showing people what our life was like behind the scenes.”
Dinaluhan ni Keating ang premiere ng documentary sa London kasama ng iba pang miyembro na sina Keith Duffy at Shane Lynch.
Dagdag pa niya, “With any story you need a start, a middle and an end. After 30 years, we have that now. That’s why this was the time for us to tell this story. It’s not an easy watch. It’s harrowing, it’s difficult, it’s upsetting. There are times when it’s fun and there’s laughter. It’s not a typical boy band watch.”

Soccer Football – FA Trophy – Fifth Round – Chorley v Solihull Moors – Victory Park, Chorley, Britain – February 10, 2024 Boyzone member Shane Lynch poses for a selfie with fans before the match Action Images/Craig Brough/File Photo (via Reuters)
Ang grupo na may limang miyembro ay binuo ng pop impresario na si Louis Walsh, matapos niyang maglabas ng mga ad sa pahayagan upang mahanap ang unang boy band ng Ireland.
Tinamasa ng Boyzone ang worldwide success, kung saan nakapagbenta sila ng mahigit sa 25 million records globally, at ilan sa naging hit songs nila ay ang “Love Me for a Reason,” “Words” at “Picture of You.”
Nagkahiwalay ang grupo noong 2000, nang magpasyang magsolo ni Ronan Keating, ngunit muli rin silang nagkasama pagkatapos.
Ang band member na si Stephen Gately, ay namatay habang nasa holiday sa Spain noong 2009 sa edad na 33.
Sa nabanggit na documentary ay pinagsama ang archive materials at fresh footage na may candid interviews sa mga miyembro ng banda, sa kapatid na babae ng namatay na miyembro na si Stephen Gately, kay walsh at sa mga mamamahayag. Ang isa pang miyembro na si Michael Graham, na hindi nakadalo sa premiere, ay nagbahagi rin ng kaniyang karanasan.
Sinabi pa ni Keating, “It was like therapy. “I think we did 12 hours each in front of the camera. It took two years. We went through a lot of old footage. It was pretty magical at times, to see all that old footage but at times it was heartbreaking.”
Ayon naman kay Duffy, “It was like a counselling session. I felt like it was a weight off my shoulders to be able to talk about it.”
Ang “Boyzone: No Matter What” ay mapapanood sa Sky Documentaries at sa NOW sa darating na Feb. 2.