1 SABAYAN Coalition, inilunsad ng Oposisyon
Inilunsad ng oposisyon ang 1 SABAYAN Coalition na maari umanong gawing alternatibo ng taumbayan sa eleksyon sa susunod na taon.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio na bumuo sila ng koalisyon dahil sa umanoy pagiging incompetent ng Duterte administration lalo na sa paglaban sa COVID- 19 pandemic.
Sabi ni Carpio, kulelat umano ang administrasyon pagdating sa good governance kaya hindi pa rin makabangon ang bansa sa matinding khirapan at lugmok ang ekonomiya.
Naniniwala si Carpio na kailangan ang bagong mga mamumuro sa gobyerno para makaabnte naman ang bansa.
Kasama sa bumubuo ng koalisyon sina Dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, Dating Education Secretary Armin Luistro, Dating COA commissioner Heidi Mendoza, National Union of Peoples’ Lawyers Chairman Neri Colmenares at grupong magdalo ni Dating Senator Antonio Trillanes.
Meanne Corvera