9,373 bagong COVID 19 cases naitala, bilang ng namatay, tumaas sa 382 dahil sa technical failure
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 9,373 na kaso ng COVID-19, habang 382 ang bilang ng namatay at 313 ang gumaling.
Ipinaliwanag ng DOH na mataas ang bilang ng naiulat na namatay ngayong araw dahil isinama rito ang bilang ng mga nasawi sa nakalipas na linggo.
Hindi umano nai-report ang 341 na namatay sa virus bago mag-Abril dahil sa technical failure sa information system na kumukuha ng datos mula sa mga ospital.
Ito ang dahilan kung kayat umakyat sa 382 ang nadagdag sa bilang ng namatay ngayong Abril 6, 2021.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 18.8% (152,562) ang aktibong kaso, 79.5% (646,381) na ang gumaling, at 1.70% (13,817) ang namatay.