95% ng mga kawani ng SC, bakunado na laban sa COVID-19
Malapit nang mabakunahan laban sa COVID-19 ang lahat ng mga empleyado ng Korte Suprema.
Sa kanyang talumpati sa 9th Meeting of the Council of ASEAN Chief Justices (CACJ), ibinahagi ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga hakbangin ng hudikatura ng Pilipinas para matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng mga opisyal at kawani ng hukuman ngayong pandemya.
Isa aniya rito ang COVID-19 vaccination drive sa mga tauhan ng Korte Suprema.
Inihayag ni Gesmundo na bakunado na laban sa COVID ang 95% ng mga empleyado ng Supreme Court
Sinabi pa ni Gesmundo na target din na makumpleto ang pagbabakuna sa lahat ng mga hukom at tauhan ng mga lower courts sa bansa.
Una nang inatasan ng Office of the Court Administrator ang mga trial courts sa bansa na magsumite ng vaccination monitoring report kada buwan para matiyak na maturukan laban sa virus ang lahat ng mga hukom at court personnel.
Moira Encina