Quezon province may pinakamababang performance sa Calabarzon pagdating sa pagbabakuna kontra COVID-19 – DOH
Isa ang lalawigan ng Quezon sa mga tinukoy ng Department of Health na may mababang vaccination rate.
Ayon sa DOH, ang vaccination rate ng Quezon ay mababa pa sa 2% ng kabuuang populasyon ng probinsya.
Ang Quezon province ang may pinakamababang performance sa mga probinsya sa CALABARZON.
Aminado si Quezon Province Gov. Danilo Suarez na nasa mahigit 14 libo pa lamang ang nabakunahan sa mahigit 2 milyong residente sa kanilang probinsya.
Kaugnay nito, sinabi ni Suarez na mayroon ng Sputnik V na COVID- 19 vaccine ng Russia ang lalawigan ng Quezon.
Pero giit ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr parating pa lamang ngayong linggo ang mga nasabing bakuna dito sa bansa.
Aminado naman si Suarez na pagod na rin siya at posibleng hindi na sumabak muli sa pagka gobernador dahil na rin sa kanyang edad at medical condition.
Madz Moratillo