Department of Finance nagpaliwanag sa desisyon ng Gobyerno na mag-angkat ng imported na baboy
Nagpaliwanag na si Finance Secretary Carlos Dominguez sa desisyon ng Gobyerno na mag-angkat ng imported na baboy at ibaba ang ipinapataw na taripa para dito.
Sa pagdinig ng Committee of the Whole ng Senado sa isyu, umapila si Dominguez sa mga Senador na pagbigyan ang apila ng gobyerno.
Kailangan aniyang umangkat ng baboy dahil ito ang immediate at temporary solution habang unti unting bumabangon ang mga hog raisers.
Giit ni Dominguez ang pagtaas ng presyo ng baboy na dulot ng kakulangan ng suplay ay nagdulot na ng matinding epekto sa inflation o presyo ng iba pang produktong pagkain at serbisyo.
Pero nagresulta na rin aniya ito ng pagtaas ng interest rate.
Katunayan, sinabi ni Domimguez na mula 1995 hanggang 2020 five percent lang ang kontribusyon ng presyo ng baboy sa inflation pero ngayon ay halos one fourth na ang kontribusyon nito sa inflation.
Kailangan aniya ito solusyunan dahil kapag mas tumaas ang inflation mas marami ang magugutom at pipila sa mga community pantry.
May ginagawa naman aniyang solusyon ang Department of Agriculture para makabangon ang hog raisers.
Kasama na rito ang dobleng pautang sa mga magsasasaka sa pamamagitan ng landbank na umaabot na sa billion para pabilisin ang pork production.
Meanne Corvera