96 na mga Local officials na kasama sa narcolist, kakasuhan na ng DILG…Mga pangalan irerekomendang maisapubliko
Tuloy na ang pagsasampa ng kaso ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga Local Government officials na dawit at protektor ng iligal na droga.
kKtunayan, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na tuluy-tuloy ang case build up laban sa may 96 na mga LGU’s.
Kinabibilangan ito ng mga Gobernador, Kongresista at mga Alkalde.
Gusto aniya nilang patunayan na may basehan ang kanilang mga report at hindi ito paninira lang lalo na sa mga kakandidato sa eleksyon.
Ayon sa kalihim, nakikipag-usap na rin sila sa Pangulo para hilingin na isapubliko ang pangalan ng mga nasa Narcolist.
Pero sana ay umaksyon ang mga Political parties at huwag nang i-endorso ang mga narco-politicians.
Aniya, kahit makasuhan, mahabang proseso pa rin bago sila tuluyang ma-convict ng Korte.
Samantala, pabor ang ilang Senador na ilabas ang listahan pero kailangang suportahan ng mga ebidensya.
Iginiit ni Senador Francis Escudero na kailangang unahin ang pagsasampa ng kaso sa Korte laban sa mga opisyal para hindi maakusahang Trial by Publicity lang ang ginagawa ng gobyerno.
Ulat ni Meanne Corvera