961,000 doses ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno at private sector, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ngayong hapon ang nasa 961,000 doses ng Moderna vaccine.
Ang mga bakuna ay lumapag sa NAIA Terminal 1, alas-4:00 ng hapon lulan ng China Airlines.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 712,800 doses ng mga bakuna ay binili ng pamahalan habang ang 248,200 doses ay binili ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) mula sa Estados Unidos.
Sinabi ni NTF special adviser Dr. Ted Herbosa na mayorya sa mga bakuna ay dadalhin sa Regions 3 at 4-A kabilang ang Visayas, Cebu at Mindanao habang sa NCR ay para lamang sa mga tatanggap ng second dose.
Inaasahang ngayong araw din darating sa bansa ang nasa 200,000 doses ng Sputnik vaccines.