98 kaso ng P.3 variant ng Covid-19, nagmula sa Central Visayas – PGC
Halos nasa 100 samples ng kaso ng Covid-19 na nadetect bilang P.3 variant ay nagmula sa Central Visayas.
Ito ang ipinahayag ng Philippine Genome Center (PGC).
Ayon sa PGC, ang Coronavirus variant P.3 ang unang nadetect sa Pilipinas na SARS-Cov2 mutation noong Enero ng taong ito mula sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, binigyang-diin ng PGC ang kahalagahan ng mas maigting at mas mahigpit pang pagpapatupad ng mga health measures upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Statement PGC:
“An emergent SARS-CoV-2 variant, now officially designated as Lineage P.3, has been detected in the Philippines with most of the samples coming from the Central Visayas Region”.
Ayon pa sa PGC, ang unang kaso ay nadetect noong Enero 8, 2021 at mabilis ang naging pagkalat nito hanggang sa matukoy na ito bilang P.3 variant noong February 4, 2021.
Dala ng variant na ito ang multiple mutations kabilang ang E483K, N501Y, at P681H na iniuugnay sa SARS-Cov-2 variants of concern.
Patuloy namang pinag-aaralan ng PGC ang collective effects ng mga mutations na ito sa Transmissibility o Rate of infection, Pathogenicity o Severity of the Disease, at Immunogenicity o Impact on vaccine efficacy.