9,821 law graduates inaasahang kukuha ng 2022 Bar Exams
Isinasagawa ngayong Miyerkules, Nobyembre 9 ang unang araw ng 2022 Bar Examinations.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, mula sa 10,074 approved bar applicants ay kabuuang 9,821 law graduates na lang ang inaasahang kukuha ng pagsusulit.
Sa nasabing 9,821 bar candidates, 5,847 ang first time examinees.
Idinaraoa ang eksaminasyon sa 14 na local testing centers sa buong bansa.
Lima sa mga ito ay sa Metro Manila.
Partikular sa San Beda University, De La Salle University, Manila Adventist College, Ateneo de Manila University, at University of the Philippines – Bonifacio Global City.
Sa 14 na testing centers ang Ateneo de Manila University ang may pinakamaraming bar examinees na 2,529 habang ang Ateneo de Zamboanga University ang may pinakakaunti na examinees na 267.
Ang mga susunod na petsa ng 2022 Bar Exams ay isasagawa sa November 13, 16, at 20.
Moira Encina