99 road section at 8 tulay sarado pa rin sa motorista dahil sa pinsala dala ng mga nagdaang bagyo
Hindi pa rin pwedeng madaanan ng mga motorista ang 99 na road sections at walong tulay sa ilang rehiyon dahil sa pinsala at epekto ng mga bagyong Henry, Inday at Josie.
Ito ay batay sa pinakahuling report ng DPWH mula sa Regions 1, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 6 at Cordillera Administrative Region.
Kabilang sa mga sarado sa trapiko ang Garrita Bridge sa Pangasinan.
Sarado rin ang Subol Bridge sa Pangasinan dahil sa mahinang tulay.
Hindi pa rin pwedeng madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang La Paz- Sta rosa road at La Paz- Victoria Road sa Tarlac.
Sarado pa rin sa trapiko ang bahagi ng Kennon road sa Baguio City at Kalinga dahil sa patuloy na clearing ng mga debris.
Gayundin ang bahagi ng Abra Cervantes Road at Manicbel Bridge approach A sa Sallapadan, Abra dahil sa collapsed pavement at wash out embankment.
Ulat ni Moira Encina