Bagyong Fabian, walang direktang epekto sa bansa

TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 2

Napanatili ng Tropical Depression Fabian ang lakas nito at kumikilos ng pa-hilaga patungo sa Philippine Sea.
Huling namataan ang sentro ng bagyo ganap na 10:00PM sa 1,395 km Silangan ng Extreme Northern Luzon na may lakas na hanging na 45 kph malapit sa gitna, na may pagbugsong lakas ng hangin hanggang 55 kph.
Wala namang lugar ang isinailalim sa anumang Tropical Cyclone Wind Signal dahil malayo sa kalupaan ng bansa ang bagyong Fabian at hindi direktang makaapekto sa kalagayan ng panahon.

Gayunman, maaaring paigtingin ng pagdaan ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat na magiging sanhi ng mga pag-ulan sa Western Visayas, MIMAROPA, CALABARZON, Metro Manila, Bataan, at Zambales simula Linggo (18 Hulyo). 

Please follow and like us: