Pangulong Duterte , nagbabala ng muling lockdown kapag lumala ang kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa
Posibleng magpatupad muli ng mahigpit na community quarantine kapag lumala ang kaso ng COVID 19 Delta variant sa bansa.
Sa weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na walang ibang opsiyon ang gobyerno kundi magpatupad muli ng lockdown sa sandaling lumala ang kaso ng COVID 19 Delta variant sa ibat-ibang panig ng bansa.
Ayon sa Pangulo, itinuturing ng pamahalaan na seryosong banta sa kalusugan ang Delta variant ng COVID-19 dahil mabilis itong makahawa at mas nakamamatay kumpara sa mga dati ng variant gaya ng nararanasan ngayon sa Indonesia, Malaysia, South Korea at Taiwan.
Inihayag ng Pangulo na sana sapat ang mga pasilidad ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng mga tatamaan ng Delta variant ng COVID-19.
Batay sa record ng Department of Health o DOH mayroon ng 35 kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa 11 ang local cases at 3 na ang namamatay.
Dahil sa banta ng Delta variant ng COVID- 19 hiniling na ng Metro Manila Mayors sa Inter Agecy Task Force o IATF na bawiin o suspendihin muna ang kautusan na nagpapahintulot sa mga menor de edad o 5 haggang 17 taong gulang na makalabas at magtungo sa mga pampublikong lugar lalo’t hindi pa nababakunahan ang nasabing age group.
Vic Somintac