Barko na may sakay na 11 crew na nagpositibo sa COVID-19, dumating na sa Albay
Mahigpit na minomonitor ngayon ng Philippine Coast Guard ang MT Clyde at barge na Claudia na dumating sa karagatang sakop ng Albay.
Sakay nito ang 11 crew na nagpositibo sa COVID-19.
Ang MT Clyde at Claudia ay bumiyahe mula sa Indonesia bago ito dumating sa Butuan City kung saan sila sumailalim sa RT-PCR TEST.
Sakay ng barge na Claudia ang 8 libong metriko tonelada ng steam coal.
Ayon sa PCG, sa ngayon ay naka angkla ito isang kilometro mula sa Lidong Port, Sto. Domingo, Albay.
Nakabantay naman ang maritime security and monitoring team ng Philippine Coast Guard Station sa Albay para matiyak na walang makakalapit na ibang sasakyang pandagat dito at walang crew ang makakababa na crew.
Ito ay upang para ma-kontrol ang pagkalat ng virus.
May naka stand by rin na medical team sakaling kailanganin ng medical assistance ng mga crew.
Madz Moratillo