Southern Leyte , niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Silago, Southern Leyte kaninang madaling araw.

Naitala ng PHIVOLCS ang lindol ala una singkwenta’y tres ng umaga.

Natukoy ang epicenter ng lindol labing dalawang kilometro sa timog-kanluran ng Silago.

May lalim itong tatlong kilometro at tectonic ang origin.

Samantala, naramdaman ang intensity II sa Abuyog, Leyte at intensity I sa Palo, Leyte.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala matapos ang naturang pagyanig.

PHIVOLCS

Please follow and like us: