Mga maagang nangangampanya, sa COMELEC daw dapat idulog
Sa Commission on Elections (COMELEC) dapat dinadala ang mga usapin ukol sa maagang pangangampanya lalo na ng mga opisyal ng gobyerno.
Ito ang iginiit ng political analyst na si Mon Casiple kasunod ng mga batikos at pagpuna ng ilang sa ginagawang pag-iikot ni Davao City Mayor Sara Duterte sa iba’t ibang lalawigan.
Paliwanag ni Casiple, madaling makalulusot sa alegasyong early campaigning lalo at election season na.
Kaya naman kung nais aniya ng mga kritiko na maaksyunan ito, dapat maghain na lang ng reklamo sa COMELEC para ito maaksyunan.
Una rito, bagamat walang pinangalanan, pinasaringan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga pulitiko na nag-iikot na sa mga lalawigan gayong kailangang sila sa kanilang mga lugar para tututukan ang COVID-19 response.
Paalala naman ni Casiple sa mga nag iikot na pulitiko, tiyaking sumusunod sa health protocols para na rin sa kaligtasan ng mga botante.
Iminungkahi pa nitong bantayan ang mga pulitiko sa pasunod ng health protocols at kasuhan ang mga hindi susunod.
Madelyn Moratillo