Sesyon ng Senado, mananatiling hybrid dahil sa banta ng Delta variant ng Covid-19
Mananatili ang hybrid na pagdaraos sesyon ng Senado sa pagbabalik ng kanilang trabaho sa Lunes.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito’y kahit fully vaccinated na ang mga mambabatas at 90 percent ng kanilang mga empleyado.
Katwiran ni Sotto, kailangan nilang magdoble-ingat lalo ngayong may kaso na din ng Delta variant ng Covid-19 sa Pilipinas.
Sa ilalim ng hybrid session, papayagan ang kanilang mga kasamahan na dumalo ng sesyon sa pamamagitan ng online.
Maaari naman aniyang pakiusapan ang mga bata pang Senador na maging physically present para mapabilis ang mga panukalang kailangan nang pagtibayin.
Magpapatupad rin ng 50 percent workforce para masunod ang physical distancing sa Senado.
Hindi pa rin pahihintulutang pumasok sa gusali ang mga bisita maliban na lamang kung sila ay naimbitahan para dumalo sa mga pagdinig.
Meanne Corvera