Breaking News: Metro Manila at karatig lalawigan, niyanig ng lindol ngayong madaling araw!
Isang malakas na lindol ang naramdaman ngayong 4:49AM, Sabado, July 24, 2021 sa ilang lugar sa Metro Manila. Naramdaman rin ang aftershock bandang 4:57AM.
Sa report ng PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay naitala sa Calatagan, Batangas na may Magnitude na 6.7 at may lalim na 116 kilometers.
Kinumpirma rin ni PHIVOLCS Director Renato Solidum ang naramdamang aftershocks bandang 4:57AM na may magnitude na 5.1 sa Calatagan, Batangas, sa lalim na 107 kilometers.
Sinabi ni Solidum na asahan pa ang ilang aftershocks subalit walang inaasahang tsunami dahil malalim ang pinagmulan ng pagyanig.
Dahil dito, hindi aniya dapat magpanic ang publiko. (Click: Basahin ang kaugnay na balita)