Taal Volcano, ibinaba na sa alert level 2
Ibinaba na ng PHIVOLCS sa Alert Level 2 ang Taal Volcano simula 7:30PM July 23, 2021.
Ito’y matapos na unti-unti nang humina ang aktibidad ng bulkan na ipinapakita ng pagbaba ng volcanic gas emission at bahagya na lamang na ground deformation at “positive microgravity anomalies”.
Noong July 1, 2021 ay nagkaroon ng phreatomagmatic eruption ang Main Crater ng Bulkang Taal na sinundan ng labing siyam (19) na mahihinang phreatomagmatic eruption hanggang July 9, 2021, kung kailan nagsimulang humina ang mga naitatalang aktibidad sa Taal Volcano.
Sa kabila nito, patuloy pa ring babantayan ng PHIVOLCS ang mga aktibidad ng Bulkang Taal at maaari pa ring muling itaas sa alert level 3 ang bulkan kung kinakailangan.