Ipo Dam, magpapakawala ng tubig ngayong tanghali; Mga residente pinag-iingat
Napalabas ng abiso ang PAGASA na magsasagawa ng spilling operation ang Ipo dam mamayang alas-12:00 ng tanghali.
Ito ay dahil sa umabot na sa 100.56 meters ang antas ng tubig sa dam dahil sa patuloy na pag-ulang dala ng Habagat.
Samantalang nasa 101 meters lang ang normal high water ng Ipo Dam.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 38 cms. ang tubig na inisyal na pakakawalan ng dam.
Dahil dito, pinag-iingat at inalerto ang mga residenteng naninirahan sa mababang lugar partikular ang mga nasa malapit sa river banks ng Angat, Norzagaray, San Rafael, Bustos, Pulilan, Baliuag, Plaridel at Hagonoy.
Please follow and like us: