Bakit sumasakit ang ulo kapag may problema sa ngipin?
Alam ninyo ba na ang pagsakit ng ulo, mata, lalamunan, batok, leeg ay may kinalaman sa oral health? Ang ugat natin sa ulo ay 12.
Siyam na cranial nerves ay dumadaan sa dugtungan, sa panga natin. Ibig sabihin kung may problema sa oral health apektado ang siyam na ugat.
Ang trigeminal ay pinakamalaking ugat sa ulo. Kaya pag may problema sa oral health ay puwedeng sumakit ang ulo, barado ang ilong, mahirap lumunok, madaling mangalay ang leeg, ang daming problema.
Kapag ang isang tao ay laging sinasamid o samirin, may problema sa ngipin. Tandaan po ninyo na kapag ang pagkain ay inilagay sa bibig kailangang magtrabaho ang mga ngipin para gumiling.
Kaya paano kung nilulunok mo lang hindi mo naman nginunguya? Magrereklamo ang tiyan dahil hindi naman nito trabaho ang gilingin ang pagkain, manapa para tunawin ang pagkain.
Kaya ang mga nagsasabing saka na ako magpapapustiso o papalitan ang pustiso, naku! Pag-isipan po ninyo, mas makabubuting unahin po natin ang pustiso, dahil ito ang gumigiling ng pagkain. Kaya madalas na sumasakit ang tiyan kasi lunok lang ng lunok.
Ang ngipin ay de-numero, may numero ng pagnganga, may lapad ang ngalangala, lahat ay may sukat, kaya di maaaring hulaan, pinag-aaralan talaga. Kapag mali ang sukat, o isang matanda na wala ng ngipin, ibig sabihin magiging sakitin.
Kapag nawawala sa sukat, ang panga ay maaapektuhan, puwedeng yumanig ang ulo, tenga, ilong, ang lalamunan kasi, liliit silang lahat, at magiging mahirap din ang paghinga. Kaya mahalagang magpatingin, magpunta at magpakonsulta sa dentista!