Vaccine Expert Panel hindi pabor na paiksiin ang interval ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine
Hindi pabor ang Vaccine Expert Panel sa mungkahi na iksian ang interval sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine para mas marami agad ang mabakunahan sa gitna narin ng banta ng Delta variant.
Una rito, iminungkahi ni Dr. Nick Austriaco, molecular biologist at fellow sa Octa Research Group, na sa halip na 28 araw ay gawing 14 na araw ang interval sa pagtuturok ng Sinovac Vaccine.
Habang sa Astrazeneca vaccine naman, sa halip na 12 linggo ay gawing 8 weeks ang interval.
Paliwanag ni Dr. Nina Gloriani, Head ng VEP, batay na rin sa resulta ng mga ginawang pag-aaral sa efficacy ng bakuna ay mas mataas ang immune response na naibibigay nito kung mas mahaba ang interval.
Ayon kay Solante, kapag pinaiksi ang interval sa pagtuturok ng una at pangalawang dose ng COVID-19 vaccine ay bababa ang efficacy ng bakuna.
Sa gitna naman ng presensya ng iba’t ibang variant ng COVID-19, tiniyak ni Solante na kahit mabawasan, nagbibigay parin ng proteksyon ang bakuna laban sa mga ito.
Kaugnay nito, sinabi ni Solante na kung magkakaroon man ng booster shot ng bakuna, hindi naman ito kailangang ibigay sa lahat ng populasyon.
Madz Moratillo